Thank you po. Dream school eh, though I might want to go to UPD someday. ^^ Of course! Malaking tulong po sa 'kin ang academic clinic! In fact, my lowerclassmen ask me for advice and UPCAT updates, and I know all those thanks to AC. ^^ Yes, I see those. I read them often and share them with my batchmates. ^^

by Nicole Castro on www.facebook.com/academic.clinic

Degree Program with Available Slot [DPWAS] qualifiers FAQS, Tips, and Walkthroughs

By:  Rheanne Jimeno

 So, lumabas na ang results ng UPCAT! At nakita mo ang pangalan mo sa list ng UPCAT qualifiers! Nakapasa ka rin sa gusto mong campus! Pero nung titignan mo na ang course na naipasa mo… biglang… “DEGREE PROGRAM WITH AVAILABLE SLOT”

Ngayon, hindi mo alam ang gagawin mo. Hindi mo alam kung dapat ka bang magsaya, o dapat ka bang kabahan. Ngayon, sinasabi ko sa’yo na…

Magsaya ka na! Dahil nakapasa ka sa UP! Kahit ano pa ang sabihin mo, nakita mo ang pangalan mo sa list of passers diba? Isa kang UPCAT passer! At naqualify ka rin sa isang campus!

 “Ok po.. Pero ano po ba ang ibig sabihin ng DPWS qualifier? ”

Hmm…

Siguro narinig mo na ang term na “quota courses” right? ‘Yun yung mga course na “in-demand”, pero limited lang ang number of slots. Examples are BS Business Administration and Accountancy, BS Electronics and Communications Engineering, BS Computer Science, etc.

Ngayon, kung DPWS ang lumabas na resulta sa’yo, ibig sabihin ay hindi ka umabot sa quota ng courses na pinili mo sa campus na pinasahan mo. Kaya, pwede ka lang mag-apply sa isang  “Degree Program na may Available pang Slot”

Pero wag kang mag-alala. Remember: Qualified ka na sa campus. Nakapasa ka na sa UPCAT.  Ang kailangan mo nalang ay maghanap ng isang course na may slot pa.

“So.. ano po ang dapat kong gawin?”

Three Things.

1. By February, you’ll receive a letter from UP indicating that you passed the UPCAT. There, you’ll be given instructions regarding your case. Makikita mo rin dun yung Student Number mo at Pin. Ingatan mo yung letter. Basahin mong mabuti. At ‘wag na ‘wag mong iwawala.

2.  By the 2nd week of February, upcoming freshies will be asked to confirm their decision to enroll. Confirm your slot online. There, you’ll be asked to choose (3) courses you would like to enroll in, in order of your preference.

*Understand that assignment to your chosen program is not automatic but dependent upon availability of slots and your UPCAT SCORE.

3. And lastly, by the end of March you’ll be able to see the Final Course Assignments.

Other FAQs:

1.       Pwede po ba ilagay yung original na course na gusto mo talaga sa choices?

Yes, yes. You may. I highly recommend you to still put it as your 1st choice. It won’t hurt. Based on my experience, I still put BS ECE on the top of the list even though I know it’s a highly quota course. But guess what? I was able to grab a slot for BS ECE!

Unfortunately, DPWS qualifiers will only be able to choose from a limited number of degree programs. BS BAA, BA Fine Arts, and BA Music, for example is already out of the list. So, sorry.

*Just a piece of advice, ilagay mo parin yung pinakagusto mong course sa option number 1. Yung second choice mo sa option number 2, at magplay safe ka na sa 3rd option.

2.       Paano pong play safe?

Play safe. Para kung sakaling hindi ka parin pumasa sa 1st and 2nd choices mo, you’ll still have your 3rd choice. Maglagay ka na ng non quota course dito na may relate sa original course na gusto mo, para hindi ka mahirapang magshift next school year. That’s if you consider shifting as a choice. ^^

As for my case, ganito ang ginawa ko:

1st Choice: BS Electronics and Communications Engineering (eto yung gusto ko talagang course.)

2nd Choice: BS Computer Science (2nd choice ko, kaso quota din daw)

3rd Choice: BS Geodetic Engineering (Last resort. Para makapagshift next year sa ECE. ^^)

So… DPWS Qualifiers! Gambatte! And may the odds be ever in your favor! ^^

P.S.

Sana nakatulong ako kahit papano! ^^

Kung may tanong pa kayo please comment. XD

Please take note na yung mga pinagsusulat ko dito

based on my experience lang kaya hindi siguro siya 100% accurate.

Pero sana makatulog parin! ^^